Download this Blogger Template by Clicking Here!

Ad 468 X 60

Biyernes, Mayo 31, 2013

People Beyond Perfection



               


People Beyond Perfection


    People walk, people talk. People, think, people ask. People care, people love. People speak, people ask. People fight, and people survive. We are made to succeed, but we are also made to fall down. But no matter how many times we fail, we are meant to move forward. Life is tough, by fact. There are no written scripture known to man which states that life is fair, life is never fair and that’s exactly the essence of our existence.



  Imagine a life so perfect that you wouldn’t ask for anything more, life would always be stagnant if that’s the case. The point by which you can compare things would be null. How can you tell the difference between something good and something bad? Phrases like “I like this flavor better than that one.” or “You look better with what you’re wearing right now.” wouldn’t make much sense. I doubt if adjectives would even exist in a life so perfect.



Life isn’t made in a flawless manner, but we can always believe that our lives are one of a kind. The problem with us people more often than not is that, we care much about how things might turn out when we are wrong. Some are so scared to commit mistakes, some are so anxious with every step they take. Life doesn’t work that way, life does not work that way.



In my case I love giving in to things which are new to me, I love taking risks, anyway life is also about taking risks. I love being wrong, because my mistakes are the ones that make me win. My failures taught me to get back up and prove everyone that I can learn. Now I am not saying that I am all about everything great, I still fail most of the time, but I always find new reasons to believe that I can always be much better than I was then.



  The decisions we make rules the line we should all take. They say that there are two words that could define how life works, it is yes or no. And if we look deeper into that premise it simply means: life is just a matter of choice. Our fate to become a better person lies in our hands, the only reason why people win is because they refuse to lose and back down. Let’s face it; life will never work for us in any way.



  I know that our lives weren’t made perfect, but we can always believe that we can have one. Anyway nothing is hard enough to be impossible.



 


Read More »

Pinas May Pag Asa Ka Pa Ba?








Pinas May Pag Asa Ka Pa Ba?

  “Tadhana” isa sa mga salitang karaniwang naririnig sa mga radyo, telebisyon at babasahin saating paligid. Simpleng salita ngunit malalim ang ibig sabihin, maaaring positibo ngunit maaari ding negatibo, pero sa kabuuan ito ay nagsisilbing gabay sa bawat sangkatauhan. May mga taong mapalad sa buhay ngunit mayroon ding mga taong walang swerte sa buhay at masakit mang isipin mayroon ding nasasawi. Sabi nila nasa tao daw kung paano niya iguguhit ang kaniyang kapalaran, ngunit nasa kamay parin ng Maykapal kung paano niya isasaayos at ipapatupad ang bawat tadhana ng tao.


May mga taong ang hangad ay yumaman, may mga tao ding ang tanging hangad ay simpleng pamumuhay ngunit ang masama nito kung sino pa ang mayaman, sila pa ang lalong yumayaman at ang mga dukha ang patuloy na naghihirap. Totoong may ginagawa ang gobyerno para masolusyunan ang mga problemang ito ngunit ang totoo nito ay wala namang nagyayari. May mga opisyales paring tiwali at korap na patuloy na nagpapakatamasa sa kaban ng bayan kaya di na kagulat-gulat kung bakit lugmok sa kahirapan ang ating bansang Pilipinas.



Laganap ang krimen, prostitusyon, at pagpapakasal ng parehong may kasarian na unti-unti naring natatanggap ng ating lipunan. Naisip ko tuloy ganito na nga ba talaga nabubuhay ang tao? Na kung saan kasabay ng pag usbong ng teknolohiya ay saka naman nagsusulputan ang mga bagay na nagsisilbing anay sa ating lipunan na patuloy na sumisira sa buhay ng sangkatauhan. Di ko tuloy maisip kung ano nalang ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas makalipas ang labin limang taon mula ngayon.



Mismong si Dr. Jose Rizal ang nagwika na “ Ang kabataan ang pag asa ng bayan” ngunit ito ata ay mawawalan ng saysay sapagkat ang totoo, kabataan narin ang nagiging sanhi kung bakit dumadami ang krimen sa ating bayan. Sa ngayon di na alintana ng bawat Pilipino ang mga pangakong napapako ng sinumang Presidenteng umuupo sa posisyon dahil ang tanging nasa isipan ng bawat Pilipino, makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na iyon matugunan lamang ang tawag ng kanilang kumakalam na sikmura.



Ano man ang nagiging plano ng pamahalaan ay nagiging sunod-sunuran nalang ang mga Pilipino at ang tanging nasasambit ay abangan nalang ang mga susunod pang kabanata dahil ang totoo nito’y wala paring tuwid o ganap na kasagutan kung paano masasagot ang patuloy na tanong ng samabayanan ang “Pinas may pag-asa ka pa ba?” dahil ang totoo wala ninuman ang makakasagot ng tanong na ito dahil pati ako ay di ko rin alam sapagkat ang Diyos at ang  tadhana lamang ang sadyang makakasagot sa katanungang iyan.



Read More »

BLANKO



BLANKO


Blangko ang isip
walang maisip na matino
nalilito, nahihilo...

Bakit ba ganito parang tanga
Nagmumukha pang tanga
Mahirap mag-isip ng susunod
Na gagawin...

Halos tuliro buong araw
Di makatulog sa gabi
Walang maisip
Nakatingin sa kawalan...

Malalim ang pag-iisip
Pero walang katuturan
Walang saysay ang mga
sinasabi...

Malapit nang mawala sa katinuan
Nag-iilusyon
Umaasa sa wala
Nababaliw ng walang eksaktong dahilan....

TALAGANG GANITO AKO....

KAPAG AKO AY.....BLANKO!


 


Read More »

ESTUDYANTE





ESTUDYANTE

Ring! Ring! Ring! Ring!
Tanghali na’t nakahain di pa gumigising
Maingay at nagrereklamong orasan
Tila sa kanya ay walang katuturan
Sa isang estudyanteng katulad nito
Na huli na sa klase ay di pa kumikibo

Siya’y papasok sa paaralan
Upang makahanap ng libangan
Ay tatambay sa kompyuteran
Makikipaglaro ng DOTA sa iba
Ngunit kanyang perang inaaksaya
Ay di naman sakanya

Kanyang mga mabababang grado
Ay di man lang niya gawing pasado
Sapagkat ang pag-aaral sakanya
Ay tila isang problema’t parusa
Na sumisira sa kanyang pagkatao
Ngunit ang di niya alam ito’y positibo

Pagsisikap ng kanyang mga magulang
Ay di man lang niya isa alang-alang
Sila’y banat sa mabigat na trabaho
Nang may maimpok at may maitago
Para sa kanyang kinabukasan
Na kanya namang di pinapahalagahan

Ang tanong tuloy ng iba sakanya
Di ka man lang ba nakokonsensya
Sa iyong walang kwentang ginagawa
Estudyante ka nga ba talaga?
O sadyang walang silbing bata
Na walang asenso hanggang sa pagtanda

Kaya’t kaibigan ikaw sana’y magtanda
Isaisip at isapuso ang payo ng matatanda
Upang sa lipunang ito ikaw ay may halaga
At di matulad sa mga kawawang bata
Na pinagkaitan ng tadhana’t kapalaran
Na palaboy at humahantong sa kamatayan…


Read More »

Lumang Hiwaga


Lumang Hiwaga


Ang kanyang mga mata
Naglalaman ng hiwaga
Sa pagdanas ng pait at dusa
Sa gitna ng pagsubok upang sumaya

Nakita na kita
Nung humagulgol sa kama
Sa paghihirap at sakit na iyong dala
Unti-unting tinutunaw at nawawala
Sa paningin ng mga mata

Ngayon alam ko na
Nang gabing nakaratay kana
Gusto ko sanang sabihing
Mahal kita, pero ako’y nahuli na.


Read More »

Sa Likod ng Notebook




Sa Likod ng Notebook

Sa likod ng notebook…
Nakasulat  ang sikreto
Mukha  ng prof. na  ayaw mo
Ung email  at number ng crush mo

Sa likod ng notebook…
Nakasulat  ang  ka-emohan  mo
Ang simbolo  at  kwento ng buhay mo
Ung scratch problem  solving sa  algebra

At sa likod ng notebook…
Nakasulat  ang  mga  sigaw  mo
Sched. ng klase   mo  at  munting diary mo
Dahil sa  likod  ng notebook siya ang
  takbuhan  mo...

Sa likod ng notebook…
Ung  listahan ng utang ng iyong tropa
Nagkwekwento  sa kawalan
Mga  kakornihan  at kalokohan





Read More »