Biyernes, Mayo 31, 2013
Paglisan
Paglisan
Masaya malungkot at nakakaiyak
Ang mga katagang pagpaalam
Nakangiti sa paglisan
Habang naiiyak ang pakiramdam
Ang mga kaisipan mo
At ang mga pananaw mo
Sintunado sa pandinig ng iba
Pero samin nasa tono ka.
Malungkot, nakakaiyak
Aalis ka na, biglaan naman yata?
Iisa ka lang na mawawala
Ngunit pakiramdam nami’y mundo’y mawawala
Masaya pero di nakakatawa
Ang ngiti pangtakip saming mga luha
Ang tahana’y unti-unti nang mawawala
At nag-iiwan ng labis na katahimikan
Ang araw ay nalalapit na
Ang magpasalamat ay di pa nagagawa
Sapagkat kami’y nahihiya
Sa mga kapalpakan naming ginagawa
![](https://lh4.googleusercontent.com/-f8qSqNLtpBU/AAAAAAAAAAI/AAAAAAAAGQY/Sl371AuVYfM/s250-c-k/photo.jpg)
Author: Mohammad
Mohammad is the founder of STC Network which offers Web Services and Online Business Solutions to clients around the globe. Read More →
Related Posts:
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento: