Download this Blogger Template by Clicking Here!

Ad 468 X 60

Biyernes, Mayo 31, 2013

Widgets

Pinas May Pag Asa Ka Pa Ba?








Pinas May Pag Asa Ka Pa Ba?

  “Tadhana” isa sa mga salitang karaniwang naririnig sa mga radyo, telebisyon at babasahin saating paligid. Simpleng salita ngunit malalim ang ibig sabihin, maaaring positibo ngunit maaari ding negatibo, pero sa kabuuan ito ay nagsisilbing gabay sa bawat sangkatauhan. May mga taong mapalad sa buhay ngunit mayroon ding mga taong walang swerte sa buhay at masakit mang isipin mayroon ding nasasawi. Sabi nila nasa tao daw kung paano niya iguguhit ang kaniyang kapalaran, ngunit nasa kamay parin ng Maykapal kung paano niya isasaayos at ipapatupad ang bawat tadhana ng tao.


May mga taong ang hangad ay yumaman, may mga tao ding ang tanging hangad ay simpleng pamumuhay ngunit ang masama nito kung sino pa ang mayaman, sila pa ang lalong yumayaman at ang mga dukha ang patuloy na naghihirap. Totoong may ginagawa ang gobyerno para masolusyunan ang mga problemang ito ngunit ang totoo nito ay wala namang nagyayari. May mga opisyales paring tiwali at korap na patuloy na nagpapakatamasa sa kaban ng bayan kaya di na kagulat-gulat kung bakit lugmok sa kahirapan ang ating bansang Pilipinas.



Laganap ang krimen, prostitusyon, at pagpapakasal ng parehong may kasarian na unti-unti naring natatanggap ng ating lipunan. Naisip ko tuloy ganito na nga ba talaga nabubuhay ang tao? Na kung saan kasabay ng pag usbong ng teknolohiya ay saka naman nagsusulputan ang mga bagay na nagsisilbing anay sa ating lipunan na patuloy na sumisira sa buhay ng sangkatauhan. Di ko tuloy maisip kung ano nalang ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas makalipas ang labin limang taon mula ngayon.



Mismong si Dr. Jose Rizal ang nagwika na “ Ang kabataan ang pag asa ng bayan” ngunit ito ata ay mawawalan ng saysay sapagkat ang totoo, kabataan narin ang nagiging sanhi kung bakit dumadami ang krimen sa ating bayan. Sa ngayon di na alintana ng bawat Pilipino ang mga pangakong napapako ng sinumang Presidenteng umuupo sa posisyon dahil ang tanging nasa isipan ng bawat Pilipino, makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na iyon matugunan lamang ang tawag ng kanilang kumakalam na sikmura.



Ano man ang nagiging plano ng pamahalaan ay nagiging sunod-sunuran nalang ang mga Pilipino at ang tanging nasasambit ay abangan nalang ang mga susunod pang kabanata dahil ang totoo nito’y wala paring tuwid o ganap na kasagutan kung paano masasagot ang patuloy na tanong ng samabayanan ang “Pinas may pag-asa ka pa ba?” dahil ang totoo wala ninuman ang makakasagot ng tanong na ito dahil pati ako ay di ko rin alam sapagkat ang Diyos at ang  tadhana lamang ang sadyang makakasagot sa katanungang iyan.


SHARE THIS POST   

  • Facebook
  • Twitter
  • Myspace
  • Google Buzz
  • Reddit
  • Stumnleupon
  • Delicious
  • Digg
  • Technorati
Author: Mohammad
Mohammad is the founder of STC Network which offers Web Services and Online Business Solutions to clients around the globe. Read More →

0 (mga) komento: