Download this Blogger Template by Clicking Here!

Ad 468 X 60

Biyernes, Mayo 31, 2013

Widgets

ESTUDYANTE





ESTUDYANTE

Ring! Ring! Ring! Ring!
Tanghali na’t nakahain di pa gumigising
Maingay at nagrereklamong orasan
Tila sa kanya ay walang katuturan
Sa isang estudyanteng katulad nito
Na huli na sa klase ay di pa kumikibo

Siya’y papasok sa paaralan
Upang makahanap ng libangan
Ay tatambay sa kompyuteran
Makikipaglaro ng DOTA sa iba
Ngunit kanyang perang inaaksaya
Ay di naman sakanya

Kanyang mga mabababang grado
Ay di man lang niya gawing pasado
Sapagkat ang pag-aaral sakanya
Ay tila isang problema’t parusa
Na sumisira sa kanyang pagkatao
Ngunit ang di niya alam ito’y positibo

Pagsisikap ng kanyang mga magulang
Ay di man lang niya isa alang-alang
Sila’y banat sa mabigat na trabaho
Nang may maimpok at may maitago
Para sa kanyang kinabukasan
Na kanya namang di pinapahalagahan

Ang tanong tuloy ng iba sakanya
Di ka man lang ba nakokonsensya
Sa iyong walang kwentang ginagawa
Estudyante ka nga ba talaga?
O sadyang walang silbing bata
Na walang asenso hanggang sa pagtanda

Kaya’t kaibigan ikaw sana’y magtanda
Isaisip at isapuso ang payo ng matatanda
Upang sa lipunang ito ikaw ay may halaga
At di matulad sa mga kawawang bata
Na pinagkaitan ng tadhana’t kapalaran
Na palaboy at humahantong sa kamatayan…

SHARE THIS POST   

  • Facebook
  • Twitter
  • Myspace
  • Google Buzz
  • Reddit
  • Stumnleupon
  • Delicious
  • Digg
  • Technorati
Author: Mohammad
Mohammad is the founder of STC Network which offers Web Services and Online Business Solutions to clients around the globe. Read More →

0 (mga) komento: